Isang araw ng dakilang pagkilala
Para sa taong ginagamit ng Diyos para sa Kanyang mga tupa Sa taong inilaan ang kanyang buhay sa pagkalat ng mabuting balita Sa taong regalo sa amin ng Diyos na dakilang manlilikha Sa simula pa lamang, kayo nga'y tunay at tapat pa mandin Sa mga ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos na lumalang sa atin Kayo'y nakamamangha nakakatulala Kailanma'y hindi kayo nagsasawang maglingkod sa ating Manlilikha Kahit paulit-ulit na kayo'y nasasaktan at nahihirapan Naririyan pa rin kayo para kami'y alagaan Mga kamay nami'y laging ninyong hinahawakan Tangay-tangay kaming palayo sa tiyak na kapahamakan Sa inyong mga pinagdaanan, sa buhay na inyong nilalakaran Kayo'y buhay na patotoo na sa ami'y biyaya ng Karunungan Dalangin namin na ang puso nyo'y mapuspos ng kasiyahan Tunay na kagalakang mula lamang sa Diyos nating makapangyarihan Salamat sa inyo, salamat kami'y tinutulungan ninyo Salamat sa Diyos, hindi kayo nagsasawang turuan kaming magbago Salamat dahil sa pagkasawi ng aming mga puso Pilit ninyong ipinapaalala na ang Diyos ang aming isa-puso Salamat sa inyong matitinding mga panalangin Salamat sa inyong malawak na pagmamahal sa amin Pagpalain nawa kayo ng ating Diyos na mahabagin Ngayon ay Dakilang Araw para kayo ay aming kilalanin Maligayang araw ng mga Pastor! Kayo ay regalo sa amin ng ating Dakilang Pastol mula sa Glorious Lord Ministries written by Samantha | e:gee
0 Comments
Leave a Reply. |
GLMGlorious Lord Ministries blogs is all about inspiration, encouragement and motivation to really keep the faith until the end. Archives
April 2017
Categories |