April na pala ngayon. Muli ulit nating icecelebrate yung pagkabuhay ni Hesus. Yung tagumpay Niya sa Krus. Yung Krus na tumapos ng lahat ng pahirap ng kasalanan sa atin. Yung krus na nagligtas para di tayo mapahamak. Yung Krus na tumubos sa mga kasalanan natin.
Ngayong umaga, una mong makikita sa screen ng tv yung mga katagang "Jesus rose from the dead. Let's celebrate His resurrection!" Makikita mo din sa mga mukha nila yung saya na tanging kay Lord lamang nagmumula, maririnig mo agad yung kantang GOD'S NOT DEAD sabay ng pagsayaw at pagtalon ng mga taong ipinagbubunyi ang muling pagkabuhay ni Jesus. Lumipas ang ilang minuto at natapos sila ang pagtugtog, pagpupuri at pasasalamat. Nagsimula namang umakyat ang aking pamilya. "Bilang isang Kristiyano, dapat mayroon tayong kasiyahan sa katotohanan na ang ating Diyos ay nagkatawang tao, namatay para sa pagtubos sa ating mga kasalanan, at nabuhay muli. Panghawakan din nating Siya'y muling darating." Sabi ni Mama at sumunod naman si Papa. "Amen. Dahil hindi Siya napigilan ng kamatayan dahil Siya ay nabuhay at nabubuhay magpakailanman at ngayon ay nakaupo katabi ng Diyos Ama sa kalangitan." Ang sabi naman ni Kuya Justin. "Natandaan nyo po yung sabi sa 1 Corinto:15 'Yamang alam niyong hindi nasasayang ang inyong pagpapagal para sa Kanya. Ipinapaalala lagi ni Lord na tayo'y magkakaron din ng panibagong buhay katulad Niya kapag tayoy nanatiling tapat. Na makakaya nating lampasan ang lahat ng pag uusig at lahat ng suliranin sa ating paglilingkod alang alang sa Kanya." Hanggang sa natapos silang maging speaker. Nakaka bless nga eh. Naging matagumpay 'to ng dahil sa tulong ng Lord at heto kami ngayong buong pamilya. Sama samang naglilingkod, nagpupuri at nagpapasalamat. Kaya salamat po Lord Jesus kase muli kang nabuhay. Dahil kung walang Krus ay hindi kame maliligtas at tuluyan kaming mapapahamak. Kaya dapat kaming magbunyi at magpasalamat. Ikaw ang aming dakilang pag asa. Salamat sa KRUS, Panginoong Hesus! Tara punta na sa inyong Christian Church upang magpuri, sumamba at magpasalamat. SAM
0 Comments
Buhay limitado, masikip,mahirap, magulo
Hindi mo alam kung sasalungat ba o susunod na lang sa agos nitong mundo Tatanggapin na lang ba ang sinasabi ng isipan mo? Takot Alam ko ang salitang iyan ang ayaw mo Di mo gusto na para bang ika'y nakabilanggo Palagi'y nasa isipan at sayo'y gumugulo Na kusang nagiging sanhi ng pagkalugmo at pagkakasala ng tao Tila walang kapahingahan ang iyong buhay Dahil ikay naglalakbay sa kadilimang wala namang naka alalay Kasalanan Pagkakasala na nagawa Pagkakamaling hindi magiging tama Pinakinggan ang salita ng mundo At piniling gawin ang isinisigaw nito Kaya ikaw ay napahamak naligaw at nalito Bumagsak nalungkot nawalan ng pag asa sa buhay na ito Hindi ganyan ang gusto ng Anak ng Tao Tinapos na Niya ang lahat sa krus ng kalbaryo Dahil dyan ang lahat ay kata mong mapagtagumpayan Ito nga ay tandaan at labis na pakinggan mo Para saan pa ag kanyang mga latay Mga sugat at hirap na kanyang binigay. Mga pako sa Kanyang mga paa pait at hirap na pagdurusa Laht ng Kanya ay ibinigay Upang makamit mo ang matamis na tgumpay nitong buhay Muli mo syang alalahanin Siyang nagsasabing buhay ay d dapat madilim Lagi kang naktingin sa baba nakalimutan mo na ngang tumingala Tingnan mo Ang anak ng Taong nagbigay ng kanyang buhay para sayong kapakanan Ngaon ngay sikapin mong huwag nang sa kasalanay paalipin Huwag mong hayaang lamunin ka ng kadilimang sayoy patuloy na umaalipin Bagkus labanan mo ito Wasakin mo ito Patunayan mo na ikaw ay hindi isang talunan na lagi na lang pinagtatawanan sa lansangan Anak ka ng Diyos Anak tayo ng Diyos Kapatid dapat mong malaman Katotohanang noon pa inilihim ng kasalanan Pinapalaya na tayo mula sa kadiliman Tinatawag tayong patungo sa kaliwanagan Ang Kanyang pagpapatwad ay laging laan Ang kanyang kahabagan ay magpakailanman Halika at lumaban hanggang katapusan Ang pagpapalya ng Diyos Atin nang makakamtan Purihin si Yahweh Purihin ang Diyos na dakila Purihin syang may lalang ng langit at lupa Purihim ang Diyos na sa atiy nagpapalaya Kalayaan mula sa kadiliman Kapayapaan mula sa Diyos nating makapangyarihan written by Samantha Mendoza for Glorious Lord Ministries Ignite 3 - I am Free Tunay na pagmamahal na kahit sino'y hindikayang bibigay Tunay na pagmamahal na handang isakripisyo ang lahat Isnakripisyo ang buhay at Ipinako sa krus ng kalbaryo upang tayo ay maligtas
Tinanggap ka Niya, kahit ikaw ay marumi naa Pinatawad ka Niya kahit ikaw ay makasalanan pa Higit sa lahat, minahal ka Niya noong ikaw ay uhaw na uhaw na. "Jesus Christ" nga pala, ang tanging pangalan Niya written by SSFM Isang araw ng dakilang pagkilala
Para sa taong ginagamit ng Diyos para sa Kanyang mga tupa Sa taong inilaan ang kanyang buhay sa pagkalat ng mabuting balita Sa taong regalo sa amin ng Diyos na dakilang manlilikha Sa simula pa lamang, kayo nga'y tunay at tapat pa mandin Sa mga ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos na lumalang sa atin Kayo'y nakamamangha nakakatulala Kailanma'y hindi kayo nagsasawang maglingkod sa ating Manlilikha Kahit paulit-ulit na kayo'y nasasaktan at nahihirapan Naririyan pa rin kayo para kami'y alagaan Mga kamay nami'y laging ninyong hinahawakan Tangay-tangay kaming palayo sa tiyak na kapahamakan Sa inyong mga pinagdaanan, sa buhay na inyong nilalakaran Kayo'y buhay na patotoo na sa ami'y biyaya ng Karunungan Dalangin namin na ang puso nyo'y mapuspos ng kasiyahan Tunay na kagalakang mula lamang sa Diyos nating makapangyarihan Salamat sa inyo, salamat kami'y tinutulungan ninyo Salamat sa Diyos, hindi kayo nagsasawang turuan kaming magbago Salamat dahil sa pagkasawi ng aming mga puso Pilit ninyong ipinapaalala na ang Diyos ang aming isa-puso Salamat sa inyong matitinding mga panalangin Salamat sa inyong malawak na pagmamahal sa amin Pagpalain nawa kayo ng ating Diyos na mahabagin Ngayon ay Dakilang Araw para kayo ay aming kilalanin Maligayang araw ng mga Pastor! Kayo ay regalo sa amin ng ating Dakilang Pastol mula sa Glorious Lord Ministries written by Samantha | e:gee |
GLMGlorious Lord Ministries blogs is all about inspiration, encouragement and motivation to really keep the faith until the end. Archives
April 2017
Categories |